Naabot na ng limang ospital sa Baguio City ang full capacity ng mga pasilidad nito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Baguio Health Officer Dr. Rowena Galpo, nito lamang nakaraang linggo ay naitala sa lungsod ang 289 na bagong kaso ng virus.
Ito aniya ay mas mataas sa naitalang surge o pagsipa ng kaso na kanilang naitala noong Abril ngayong taon.
Paliwanag ni Galpo na sa kabila ng full capacity ng mga ospital sa lungsod ay kanilang ginagawa ang lahat ng makakaya para mabawasan ang mga naka-admit sa ospital para makatanggap muli ng mga dinadapuan ng COVID-19.
Sa huli, iginiit na ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa karagdagang proteksyon.