Gagamitin bilang pilot center sa pagbabakuna sa kabataan ang limang ospital sa NCR.
Ito ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., makaraang salubungin ang halos 400,000 doses ng government procured na Pfizer vaccines kagabi.
Aniya, kabilang sa mga ospital na gagamitin ay ang Philippine General Hospital, heart center, at mga children’s hospital.
Incremental ang sistemang paiiralin sa pagbabakuna sa mga bata kung saan sisimulan muna ito sa edad 15-17 anyos at pagkatpos ay ibababa ito sa edad 12-14.—sa panulat ni Hya Ludivico