Limang Palestinians ang nasawi sa isinagawang raid ng Israel laban sa hamas militants sa West Bank.
Kinumpirma ng Palestinian Ministry of Health ang pagkamatay ng mga palestinians kung saan kabilang dito ang 16-anyos na lalaki.
Itinuturing itong ”deadliest violence” sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants sa nakalipas na mga linggo.
Ayon sa Israel Defense Force, kasama nila sa operasyon ang mga Israel Security Agency, yaman counterterrorism unit, shin bet para arestuhin ang mga hamas terrorist na nagpa-plano ng atake.
Kinondena naman ni Palestinian Authority President Mahmoud Abbas ang ginawang ito ng Israel at tinawag itong isang krimen.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico