Limang pamilya na lamang ang nananatili sa evacuation centers matapos ang pananalasa ng Bagyong Henry.
Ayon kay Raffy Alejandro, Assistant Secretary ng Office of the Civil Defense at tagapagsalita ng NDRRMC, pawang mga taga-Zambales ang nabanggit na pamilya.
11 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak dahil hindi pa ligtas bumalik sa kanilang mga bahay.
Sa huling datos ng NDRRMC, 800 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Henry na hinatiran na ng tulong ng DSWD.
Isang indibidwal naman sa Ilocos Norte ang patuloy na bineberikipa ng ahensya kung nasawi dahil sa bagyo.