Limang tropical cyclones pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility hanggang sa pagtatapos ng 2022.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong buwan ng Nobyembre ay inaasahang papasok ang dalawa hanggang tatlong bagyo habang isa hanggang dalawang bagyo naman sa Disyembre.
Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng state weather bureau ang bagyong Queenie.