Nadagdagan pa ng lima ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Marikina.
Dahil dito, kabuuang 368 na ang bilang ng mga dinapuan ng nakamamatay na virus.
Sa naturang bilang, 164 dito ang mga aktibong kaso, habang nananatiling nasa 31 ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19.
Samantala, sa kaparehong bulletin, nasa 173 na ang bilang ng mga naka-recover sa virus matapos na ihayag ng pamahalaang lokal ng Marikina na nadagdagan pa ng apat na panibagong COVID-19 recoveries sa lungsod.