Lima pang lugar sa bansa ang isinailalim sa Alert level 1 dahil sa naitalang mababang kaso ng COVID-19.
Magsisimula ito ngayong araw, May 3 hanggang 15 alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.
Tinukoy ni presidential spokesman Martin Andanar ang mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Misamis Occidental, Talisay City sa Cebu, Antipas sa North Cotabato at banga sa South Cotabato.
Maliban sa mga nabanggit, nasa ilalim din ng Alert level 1 ang Metro Manila at 88 pang lugar hanggang May 15.