NAPINSALA ng bagyong Odette ang limang pasilidad ng Philippine National Police habang mahigit 200 PNP personnel naman ang apektado ng kalamidad.
Batay sa report mula sa PNP Command Center, ang mga pasilidad ay matatagpuan sa Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, patuloy ang ginagawang pagbabantay at pagtulong ng mga police personnel sa tinatayang 7,201 evacuation centers na tinutuluyan ng mahigit dalawang libong pamilya o katumbas ng mahigit isang daang libong indibidwal.
Sinabi pa ni Carlos na naibalik na rin ang komunikasyon sa mga PNP Units na apektado ng bagyo sa Visayas, Mindanao at Mimaropa.