Lima katao ang patay habang dalawa ang sugatan matapos panain ng isang suspek sa Kornberg, Norway.
Ayon sa Norweigan Police, nagsimulang mamana ang hindi pa pina-pangalanang lalaki sa loob ng Coop extra supermarket.
Nagkaroon naman ng komprontasyon sa pagitan ng mga pulis at suspek bago ito tuluyang naaresto.
Inaalam pa ng pulisya kung isa itong uri ng terror attack.
Kinundena na ni Norweigan Prime Minister Erna Solberg ang nasabing insidente. —sa panulat ni Drew Nacino