Patay ang hindi bababa sa lima katao habang dalawamput isang iba pa ang sugatan sa kambal na pagsabog sa Central Mogadishu, Somalia.
Batay sa ulat, nagkaroon muna ng bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at mga security officials sa labas ng ilang gusali ng gobyerno.
Kasunod nito pinasabog na ng mga rebelde ang dalawang kotse malapit sa presidential palace at security building ng Somalia.
Inako naman ng islamist group na Abdiasis Abu Musab ang nasabing pag-atake at pambobomba.