Patay ang 5 katao habang sugatan naman ang 25 matapos ang isinagawang missile attack ng Russia sa Kropyvnytskyi City, Ukraine.
Ayon sa awtoridad, dalawang missile ang pinakawalan ng Russia upang targetin ang isang flight school sa Central Ukrainian City.
Samantala, agad naman naisugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.