Lima ang naitalang patay habang sugatan naman ang apat pang indibidwal sa naganap na pagsabog sa Kurdistan Region na sakop ng Northern Iraq kahapon.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad isang pag-atake ang nangyari sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar kung saan, mga Islamic state group fighters ang pinaghihinalaang salarin sa insidente.
Ayon sa mga otoridad, patuloy o nananatili paring aktibo ang mga militante kung saan, kanilang tinatarget ang mga security forces, power stations at iba pang mga imprastraktura sa lugar.
Sa ngayon, nag-alay na ng pakikiramay si Kurdistan Region President Nechirvan Barzani sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi. —sa panulat ni Angelica Doctolero