Lima ang naitalang nasawi habang sugatan naman ang 40 katao matapos araruhin ng isang SUV sa naganap na Christmas parade sa Suburban Milwaukee na sakop ng Wisconsin.
Ayon sa Law Enforcement Official, masaya umano ang naganap na marching bands na sinasayawan ng mga batang nakasuot ng santa hat at may dala-dalang mga pom-poms.
Makalipas ang ilang minuto ay agad itong napalitan ng lungkot at hiyawan matapos mabangga ng naturang sasakyan ang mga barricades maging ang mga kumakanta ay sumasayaw.
Agad namang nagpaputok ng baril ang isa sa mga pulis para mapigilan ang driver ng SUV na ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad habang nagpapagaling pa ang iba pa sa ospital..
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang mga naarestong suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero