Sumampa na sa lima ang nasawi dahil sa mga pag-ulang dulot ng Habagat.
Ayon sa NDRRMC, ang pinakahuling nasawi matapos malunod ay isang 18 anyos na lalaki mula sa Ibaan, Batangas.
Isa pang nasawi ay 39 anyos na lalaki mula sa Camp 8, Kennon Road sa Baguio City matapos masangkot sa isang vehicular accident nang mabagsakan ng puno.
Sinabi ng NDRRMC na inaalam pa ang mga impormasyon sa pagkasawi ng tatlong iba pa dahil sa Habagat.
Kabilang naman sa mga sugatan ang 63 taong gulang na lalaki at 29 anyos na lalaki na kapwa nasangkot din sa vehicular accident.