Dalawang pulis at tatlong sibilyan ang sugatan matapos ang magkasunod na insidente ng pananambang sa Samar at Surigao Del Sur .
Kinilala ang mga sugatan na sina Corporal Abner Balante at Corporal Manuel Carlos; kapwa miyembro ng Special Action Force (SAF) at kasamang sibilyan na si Jomar Diaz nang paputukan ng mga rebelde sa Brgy. Del RoSario, MaTuguinao, Samar.
Samantala, sa Brgy. Esperanza, Carmen, Surigao Del Sur, dalawang sibilyan din ang nasugatan, nang pagbabarilin ng mga rebelde ang sasakyan ng mga sundalo, health worker at mga sibilyan habang inililikas sa mababang lugar bilang paghahanda sa pagtama ng bagyong Odette.
Tiniyak naman ng PNP na patuloy ang ginagawang operasyon ng militar at PNP upang panagutin ang mga rebelde na nasa likod ng mga ambush. —sa panulat ni Kim Gomez