Patay ang limang pinaniniwalaang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) kabilang na umano ang tumatayong lider nito matapos makaengkwentro ang mga pulis sa isang liblib na lugar sa bahagi ng barangay sa Mandaon, Masbate, ayon sa Southern Luzon Command (SolCom).
Ayon sa mga otoridad, magsisilbi sana sila ng warrant of arrest sa mga rebelde dahil sa kasong murder at attempted murder nang magpaulan ang mga ito ng putok ng baril.
Dito na dumipensa ang mga pulis laban sa limang rebelde na tumagal ng tatlumpung minuto na ikinasawi ng limang suspek.
Narekober sa operasyon ang tatlong M16 Armalite Rifles, dalawang Cal.45 pistol at Improvised Explosive Device (IED). —sa panulat ni Angelica Doctolero