Patay ang lima (5) katao samantalang marami pa ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang SUV sa Texas.
Ayon sa Dimmitt County Sheriff, tinangkang takasan ng SUV ang mga border patrol sa South Texas nang mawalan itong kontrol at bumaliktad sa Texas Highway 85.
Dahil mabilis ang takbo ng sasakyan nang mawalan ito ng control, tumilapon palabas ng van ang mga pasahero.
Pinaniniwalaang walang dokumento ang labing limang (15) Immigrants na sakay ng van.
—-