Lima katao ang nasawi kabilang ang apat na miyembro ng isang pamilya sa naganap na banggaan ng dalawang bangka sa Wilminton River sa Georgia.
Natagpuan ang katawan ng mga biktima sa lalim na 14 feet.
Apat na indibidwal naman ang nakaligtas sa insidente na kaagad na dinala sa pagamutan matapos magtamo ng minor injuries.
Ayon sa tagapagsalita ng Georgia Department of Natural Resources (DNR), inaresto ang driver ng isa sa mga bangka na si Mark Christopher Stegall, dahil lango umano ito sa alak o droga.
Patuloy ang imbestigasyon ng Georgia DNR sa banggaan ng dalawang recreational boat.