Limang indibidwal ang nasawi matapos gumuho ang isang four-story residential building sa Amman, Jordan.
Ayon sa mga otoridad, 14 na indibidwal ang nasugatan sa insidente habang may ilan pa na na-trap sa naturang gusali.
Sinabi naman ng ilang opisyal na kabilang sa posibleng dahilan ng pagguho ng gusali ay dahil luma na rin ito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang rescue efforts ng mga otoridad upang mahanap ang iba pang mga survivor habang inaalam ang tunay na sanhi ng pagguho ng nasabing gusali.