Tinatayang nasa lima kabilang na ang isang bata ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Banaue, Ifugao nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng Ifugao Provincial Police Office, nangyari ang insidente ala-5 ng hapon, ilang oras mula nang manalasa ang bagyong Ulysses sa kanilang lugar.
Ayon kay P/Col. David Mariano, hepe ng Ifugao PNP, sisilong sana sa isang bahay sa gilid ng kalsada ang lima nang biglang matabunan sila ng gumuhong lupa na may lalim na 100 metro.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung mga residente o napadaan lamang sa lugar ang limang sumilong sa nasabing bahay sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses.