Patay ang tatlong (3) sundalo at dalawang (2) miyembro ng Daulah Islamiyah terrorist group sa nangyaring engkwentro sa Lanao del Sur.
Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesman Col. Gerry Besana, alas-5:00 kahapon nang sumiklab ang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo sa Sitio Tagum, Barangay Dinaigan, bayan ng Tubaran.
Nagsasagawa aniya ng focused military operations ang tropa ng mga sundalo nang makasagupa ang mga terorista na tumagal naman ng halos dalawang oras.
Nakumpiska namang mga sundalo sa lugar ng engkuwentro ang isang M-16 rifle, isang M-6-53, isang kalibre kuwarentay singkong baril, dalawang granada at mga bala.
(Ulat ni Jaymark Dagala)