Pumalo na sa lima ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng isang fast craft sa karagatang sakop ng Infanta, Quezon kahapon.
Sinabi ni Coast Guard spokesman Captain Armand Balilo na pansamantala muna nilang hindi ilalabas ang pangalan ng mga namatay na pasahero hangga’t hindi pa naipaaalam sa pamilya ng mga ito ang sinapit ng kanilang mga kaanak.
Nabatid na mula sa Real, Quezon ang Mercraft-3 ma may lulan na 251 pasahahero nang ito ay lumubog patungo sa Polilio Island.
Umaabot na sa 240 pasahero ang nailigtas habang pinaghahanap pa ang anim na nawawala.
Tiniyak naman ni Balilo na kanilang ipagpapatuloy ang search and rescue operation ngayong araw.
Samantala, nais paimbestigahan ni Senate Committee on Public Services Senadora Grace Poe ang nangyaring paglubog ng isang passenger ship sa Quezon Province kahapon.
Sinabi ni Poe na kahit hindi ‘overloaded’ ang nasabing sasakyang pandagat ay dapat na alamin ng awtoridad ang tunay na dahilan ng insidente.
Kasabay nito, muling iginiit ni Poe ang kanyang panawagang pagbuo ng National Transportation Safety Board.
Makatutulong aniya ito upang masiguro ang mas maayos na safety standards at mapigilang mangyari ang mga trahedya sa hinaharap.
—-