Lima katao ang nasawi habang dalawpu’t lima (25) ang sugatan matapos lusubin ng mga armadong lalaki ang tanggapan ng aid agency na Save The Children sa Jalalabad Afghanistan.
Ayon sa ulat, may sumabog na suicide car bomb sa labas ng gusali ng nasabing aid agency bago ito sinalakay ng mga armado.
Tumagal naman sa sampung oras ang bakbakan bago nabawi ng mga awtoridad ang nilusob na opisina.
Inako rin ng Islamic State ang pag-atake kung saan kanilang sinabi sa Amaq News Agency na target ng nila ang mga British, Swedish at Afghan government institution.
—-