Lima (5) na ang patay sa pananalasa ng bagyong Ramil, sa Palawan, Pangasinan at Camarines Sur.
Kinilala ang tatlo sa mga biktimang magpipinsan na sina Laiza Mayo, 21-anyos; Katherine Apolinario, 13-anyos at Katrina Mantana, 12-anyos na pawang nalunod habang naliligo sa ilog sa Busuanga, Palawan.
Nalunod din habang naliligo sa dagat ang Grade 7 student na si Kristel Durian, sa bayan ng San Fabian, Pangasinan habang natabunan ng lupa sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur ang biktimang si Ryan Olaño.
Kabilang din sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulang dala ng bagyo ang mga lalawigan Mindoro, Aklan at Antique.
—-