Lima katao ang patay at libu-libo ang stranded sa naranasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa Southern China.
Sa Jiangxi Province, daang bahay ang nawasak at halos 11,000-ektarya ng pananaim ang nasira.
Lumalabas sa pagtaya ng Chinese government, nasa 1.4-M katao ang direktang naapektuhan ng malakas na pag-ulan samantalang 20,000 bahay ang nawalan ng kuryente sa Guangxi Region.
Ipinabatid ng meteorological administration ng China na tatagal pa sa susunod na apat na araw ang nararanasang hindi magandang panahon.
Apektado rin ng malakas na pag-ulan ang Guangdong, Fujian, Jiangxi, Yunnan, Sichuan at maging sa Taiwan.