Arestado ang Limang (5) Pilipino sa dalawang araw na operasyon ng Malaysian authorities laban sa mga may hawak ng pekeng Malaysian Identity cards o Mykads bilang bahagi ng kanilang identity card checking operation
Ayon sa Bernama News , una nang naaresto ang isang Pinoy security guard sa limang oras na operasyon sa Segambut, Kuala Lumpur
Ipinabatid ng National Registration Department na ang nasabing Pinoy ay halos isang buwan lang na Malaysia at nakakuha ng Mykad mula sa isang kaibigan niya nang dumating siya mula sa Basilan
Isang mag asawang Pinoy naman ang inaresto sa kanilang apartment dahil din sa pagbitbit ng mga pekeng Mykad
Samantala, dalawa pang Pilipinong security guards ang dinampot matapos hindi magtugma sa NRD specifications ang hawak nilang pekeng Mykad
Sinasabing binibili ang pekeng identity card sa halagang 1,200 Malaysian ringgit
By: Judith Larino