Inaresto ng Malaysian Police ang 7 katao kabilang ang 5 Pilipino dahil sa posibleng ugnayan sa Islamic State Militant Group.
Ayon kay Inspector General of Police Khalid Abu Bakar, ang isang inarestong Pinoy na permanente nang naninirahan sa Malaysia ay nangongolekta umano ng pondo at ipinapadala sa 2 Malaysians na sumali na sa Islamic State na sa Mindanao.
Ang isa pang Pinoy naman na aniya’y ikinulong nila ay nagpa-planong mag biyahe sa Syria para sumali sa islamic state doon at nanumpa na umano ng suporta kay Isnilon Hapilon na lider ng Abu Sayyaf.
Dalawa pang suspek na isang lalaki at babaeng Pinoy ay inaresto dahil sa pagpuslit sa tatlong islamic state members mula Malaysia at Indonesia patungong Mindanao sa pamamagitan ng Sabah.
Hindi naman natukoy kung ano ang partikular na ugnayan ng isa pang Pinoy na kabilang sa mga naaresto sa isinagawang operasyon ng Malaysian authorities sa Sabah.
By Judith Larino