5 pinay ang napabilang sa listahan ng “50 over 50: Asia” 2024 ng Forbes.
Tampok dito ang achievements ng mga kababaihan sa Asia-Pacific Region sa iba’t ibang larangan, gaya ng pharmaceuticals, fashion, at iba pang industriya.
Pasok sa naturang listahan ang 66-anyos na si Susan Co, ang co-founder ng Puregold Price Club Inc., at Vice Chairman ng Cosco Capital Inc.;
Napasama rin sa “50 over 50: Asia” 2024 list ang aktres na si dolly de Leon, na naging kauna-unahang pinay na nakakuha ng nominasyon bilang best supporting actress sa Golden Globe Awards;
Gayundin ang 54-anyos na pangulo at Chief Executive Officer ng Ayala Land Inc., na si Anna Ma. Margarita Dy.
Napabilang din sa nasabing listahan ang peace negotiator at professor ng political science sa university of the philippines na si Miriam Coronel-Ferrer; at
Ang 52-anyos na pangulo at executive officer ng Electronic Health-Tech firm na medilink networks na si Esther Go.