Nakalaya na ang limang (5) Pilipinong dinukot ng grupong Abu Sayyaf matapos ang mahigit isang buwan.
Nakilala ang mga bihag na sina Vergel Arquino, Jushua Ybanez, Emo Fausto, Junald Minalang, at Spriano Sordid.
Ayon kay Brigadier General Custodio Parcon, Commander ng Joint Task Force, nasagip nila ang mga ito sa karagatan ng Sugbay Island sa Languyan, Tawi – Tawi habang abala ang mga rebelde sa pagtakas mula sa opensiba ng militar.
Sa ngayon ay dinala na sa ospital ang mga nasabing bihag para sumailalim sa medical examination.