Sugatan ang limang (5) Filipino seafarers matapos makipagbugbugan sa mga marinong Indonesian sa Cape Town South Africa.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, nagkaroon ng pagtatalo ang mga Pinoy at Indonesian seafarers na nauwi sa rambol.
Sinabi ni Cato na nananatili sa ospital ang tatlo sa mga Pilipino dahil grabe ang sugat na tinamo ng mga ito at dinalaw na rin sila ni Honorary Consul Steven Chaimowitz.
—-