Isinulong ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang five-point approach na tutugon sa problema sa suplay ng asukal sa bansa.
Sa panukalang inihain ng Kongresista, inilatag nito ang limang hakbang na pipigil sa paglala ng problema, upang hindi matulad sa krisis na naranasan noong 2009.
- Unang hakbang ang, gawing zero ang sugar biofuel additives ng pretroleum products, at gumamit ng ibang kapalit gaya ng Jathropa at Cassava.
- Pangalawa, paghiling sa Department of Science and Technology at Manufacturers ng rubbing alcohol, at iba pang non-food sugarcane based products, na ibahin ang pinagkukunan nitong produkto.
- Pangatlo, paghihigpit ng Department of Education sa mga ibinebentang sugar-sweetened bevarages sa Paaralan kapag ibinalik na ang Face to Face classes.
- Pang-apat, pag-atas sa Sugar Regulatory Administration, DA at iba pang LGUs na suriing mabuti ang proseso ng sugar value-chain mula harvesting, milling hanggang refining.
- At Panlima, imbestigahan ang posibleng hoarding ng mga sugar trader, maging ang pang abuso sa presyo at suplay
ng asukal.