Magsasagawa ng press conference ngayong araw, Easter Sunday ang ilang presidential candidates para sa eleksyon 2022.
Kinabibilangan ito nina; Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at dating Palace Spokesperson Ernesto Abella.
Batay sa abisong inilabas ng kampo nina Moreno at Lacson, ngayong umaga magaganap ang presscon sa isang hotel sa Makati.
Hindi naman isinapubliko kung ano ang magiging paksa sa pag-uusap. —sa panulat ni Abby Malanday