Limang pribadong kumpanya ang nahaharap sa tax evasion case ng sa Department of Justice habang limang iba pang kumpanyang delinquent tax payer ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue.
Ang mga ito ay ang Asiarich Trading Corporation, Interlink Manpower Development and General Services Incorporated, Mandaluyong Industrial, MTO International at PCKLINK.
Nakasaad sa reklamo ng B.I.R., aabot sa 89.8 Million Pesos ang hindi binayarang buwis sa gobyerno ng mga naturang kumpanya kabilang ang 24.8 Million Peso Tax liability ng Asiarich para sa taong 2011.
Sa kabila ng mga paalala ng B.I.R. sa mga naturang kumpanya na may mga kinakailangang bayarang buwis, hindi tumugon ang mga ito kaya’t tinuluyan na silang inireklamo sa DOJ.