Tinukoy ng OCTA Research Group ang Isabela, Cagayan, Benguet, Laguna at Bataan bilang “Provinces of Major Concern” dahil sa “critical” levels ng COVID-19 incidence rate, ICU utilization at positivity rate.
Sa pagtutok ng OCTA mula Setyembre 15 hanggang 21, ang lalawigan ng Isabela ang may pinakamataas na one-week growth rate na 158%.
Naitala naman ng Benguet ang pinakamataas na Average Daily Attack Rate o ADAR na 53 kaso sa bawat 100,000 population na sinundan ng Cagayan, 37.79; isabela, 36.43; Bataan, 30.25 at Laguna, 25.69.
Samantala, kritikal ang ICU beds ng COVID-19 case kung saan 94% sa Isabela; 87% sa Cagayan; 90% sa Benguet; 87% sa Laguna habang 92% sa Bataan.—sa panulat ni Drew Nacino