Nanawagan sa gobyerno ang 5 pulis na bihag ngayon ng New People’s Army o NPA na nasa panganib ang kanilang buhay.
Sa isang video, nakiusap ang mga biktima na itigil na ang military shelling at police operations sa Davao dahil baka madamay sila.
Ayon kay Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng NPA, hawak ng kanilang 1st Pulang Bagani Command sina Chief Inspector Leonardo Tarungoy, PO3 Rosenie Cabuenas, PO3 Rudolf Pacete, PO3 Abdul Azis Ali Jr. at PO2 Neil C. Arellano.
Ayon kay Tarungoy, hepe ng police station sa Paquibato District, mabuti ang kanilang kalagayan sa kamay ng mga rebelde.
Subalit, hinimok ng iba pang bihag ang pamahalaan na gumawa ng paraan upang mapalaya sila.
Matatandaang dinukot ang mga biktima noong Abril 16 sa Barangay Salapawan sa Paquibato matapos lusubin ng mga rebelde ang army post ng 72nd Infantry Battalion.
By Jelbert Perdez