Sinibak sa puwesto ng NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar ang limang pulis Pasay na nasangkot sa katiwalian at kapabayaan.
Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina Chief Inspector Remedios Terte, commander ng police community precint sa Pasay City; PO3 Archie Rodriguez; PO3 Ranier Dumanacal; SPO2 Jonathan Bayot at SPO3 Timothy Mengote.
Ayon kay Eleazar, inaresto ng mga nabanggit na pulis ang isang Chinese national matapos akusahan ng pangmomolestiya ng tatlong babaeng estudyante sa isang theme park sa Pasay City.
Gayunman, sa halip na kasuhan, inirekumenda umano ng mga pulis na makipag-areglo na lang ang suspek sa biktima.
Nagpapahiwatig din umano ang mga pulis na humihingi ng bahagi sa ibabayad na pera ng inaakusang Chinese.