Kinasuhan na ng administratibo ng PNP-IAS o Philippine National Police – Internal Affairs Service ang apat (4) na pulis Makati at isang (1) pulis mula sa Manila Police District (MPD).
Ang mga nasabing pulis ay inaresto ng PNP Counter Intelligence Task Group sa magkahiwalay na entrapment operations.
Sinabi ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na target nilang makapagpalabas ng resolusyon at rekomendasyon bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Binigyan lamang nila aniya ng isang araw para sumagot o mag sumite ng kanilang counter affidabit ang mga respondent.
Ayon kay Triambulo, matapos manumpa ang arrresting officers sa kanilang affidavit kaagad kinuha ng PNP-IAS ang investigation report mula sa arresting officers para masampahan kaagad ng kaso ang mga naturang pulis.
Kabilang sa mga nasabing pulis sina PO2 Harley Garcera, PO2 Clarence Maynes, PO1 Tim Santos, PO1 Jeffrey Caniete at ang pulis Maynila na si PO1 Efren Guitaring.
By Judith Estrada – Larino