Patay ang limang raliyista habang sugatan naman ang labindalawang iba pa matapos umanong pagbabarilin ng mga pulis sa Bangladesh.
Sinasabing sumugod sa isang planta ang mga manggagawa para ireklamo ang mababang pasahod, mahabang oras ng trabaho at diskriminasyon.
Ayon sa ulat, pinagbabato ng mga raliyista ang mga pulis kaya’t napilitang gumanti ang mga ito na ikinasawi ng ilan sa mga protesters.
Samantala, una nang inireklamo ng ilang human rights activists ang umano’y hindi pagsunod ng planta sa environmental standards at sinasabing itinayo iot nang hindi dumaan sa public consultation.