Patay ang limang hinihinalang rebelde sa dalawang oras na engkwentro ng kanilang grupo at tropa militar sa Sta. Teresita, Cagayan.
Ayon sa 5th Infantry Division ng Philippine Army, nakasagupa nila ang halos 40 komunistang rebelde na pinaniniwalang miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV).
Agad namang nagpadala ng suporta sa tropa sa pakikipagbakbakan sa mga rebelde.
Nagawa namang makatakas ng ibang rebelde patungo sa iba’t ibang direksyon.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang limang bangkay ng mga rebelde, tatlong mataaas na kalibre ng armas, limang anti-personnel mines, limang handheld radios, apat na cellphones, iba’t ibang medical supplies at kagamitan, at mga subersibong dokumento.