Balik-loob sa gobyerno ang 5 rebelde na nag-ooperate sa mga lalawigan sa southern Mindanao.
Kinilala ni Senior Inspector Bernard Francia, hepe ng police station sa Columbio, Sultan Kudarat ang mga rebelde na sina Filo Capion, squad leader ng NPA Front 72 Jomar Capion, Rom Capion, Jomar Laguayan at Ricky Wata, mga B’laan natives mula sa Sitio Bong-mal, Barangay Datal-blao.
Sinabi ni Francia na unang humingi ng saklolo ang mga rebelde sa chairwoman ng barangay na si Naila Mamalinta dahil hindi na anila masikmura ang pagpapahirap sa kanila bilang guerilla at nais nilang mabuhay ng maayos kasama ang kanilang pamilya.
Kaagad naman aniyang itinurn over ni Mamalinta sa mga otoridad ang mga naturang rebelde na kasamang isinuko ang dalawang grand rifles, isang carbine, isang shotgun at dalawang improvised explosive devices.
Ang mga rebelde ay tatanggap ng livelihood projects sa ilalim ng Comprehensive Livelihood Integration Program ng gobyerno.
By Judith Larino