Limang rehiyon sa bansa ang nakararanas ngayon ng ilang hamon dahilan kung bakit nahuhuli ang mga ito sa COVID vaccination drive.
Sinabi ni NTF chief implementer secretary Carlito Galvez Jr., na kabilang sa mga lugar na ito ang region 4-B o Mimaropa, Region 5, Region 9, Region 12, at bangSamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kabilang sa mga kinahaharap ng mga ito ay kakulangan ng cold chain facility at kakulangan sa mga magtuturok ng bakuna.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na aniya ang pamahalaan sa mga Medical Association at Allied Medical Professionals, tulad ng mga pharmacist at mga dentista, upang matugunan ang suliraning ito.
Patuloy rin ang paghahatid ng mga bakuna sa mga nasabing lugar.—mula sa panulat ni Hya Ludivico