Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang limang rehiyon sa bansa.
Dahil ito sa easterlies o hanging nagmumula sa silangang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, ang mga rehiyong makararanas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ay ang Bicol region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, at Quezon Province.
Magandang panahon naman ang inaasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Matatandaang bago matapos ang taon, inaasahang dalawang bagyo pa ang papasok sa Pilipinas.