Balik-operasyon na ang mga bus sa limang ruta sa Mindanao.
Ayon sa Yanson Group of Bus Companies (YGBC), binuksan na muli ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bus operations na una nang sinuspinde ng pamahalaan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nangako naman si YGBC Spokesperson Celer Estologa na tatalima sila sa mga alituntuning ipinatutupad ng LTFRB office sa Caraga Region partikular ang mahigpit na health protocols sa loob ng mga bus at mga terminal.
Sinasabing naka-schedule ang mga inter-regional trips tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.