Humarap kay Mayor Isko Moreno ang lima sa pitong suspek na responsable sa pagsunog sa isang tindero ng lobo sa Pandacan, Maynila.
Pawang mga menor de edad ang limang sumuko kasama ang kanilang mga magulang.
Dito, ipinaliwanag sa kanila ng Alkalde ang mga kakaharaping kaso ng mga ito.
Kabilang ang republic act 7610 o special protection of children against abuse, exploitation and discrimination act at article 155 ng revised penal code o alarms and scandal.
Inumpisahan na rin na isailalim sa counselling ang mga batang suspek.
Kasabay nito, umapela si Moreno na huwag pagbuhatan ng kamay ang mga suspek sa kabila ng ginawa nilang krimen dahil hindi aniya maitatama ng mali ang isa pang pangkakamali.