Limang pinaka -enior na mahistrado ng Korte Suprema ang kuwalipikado para maging susunod na chief justice.
Ito ang inihayag mismo ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nakatakda nang magretiro sa Marso 27, kasabay ng kanyang ika-69 na kaarawan.
Ayon kay Peralta, mayriin nang sapat na karanasan at kaalaman sina Senior Associate Justices Estela Perlas Bernabe, Marvic Leonen, Alfredo Benjamin Caguiao, Alexander Gesmundo at Ramon Paul Hernando para maging susunod na pinuno ng hudikatura.
Aniya, ilang taon niya nang nakasama sa trabaho ang mga nabanggit na mahistrado at naniniwals siyang kuwalipikado ang mga ito sa posisyon.
Samantala, sinabi ni Peralta na tinalakay ng Judicial and Bar Council (JBC) noong Huwebes ang panukala ng Korte Suprema na huwag nang isaklaw sa mandatory public interview at pagsusumite ng clearance, medical examination results at iba pang dokumento ang limang nabanggit na senior justices.