Limang shipment ng hindi deklaradong agricultural products mula China ang nakumpiska ng Bureau of Customs.
Ayon sa Customs, ang mga nasabing kontrabando na magkakahiwalay na dumating sa MICP o Manila International Container Port noong Hulyo ay nagkakahalaga ng 24 million pesos.
Lumalabas sa x ray at physical inspection na mga mansanas, orange at peras ang nasa kargamento subalit ang totoong laman ito ay mga carrot, sibuyas at patatas.
Apat sa limang kargamento ay naka consign sa Ingredient Management Asia Incorporated habang ang isa naman ay sa MC Rey International Trading.
Kakasuhan ang mga consignee ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Food, Drug and Cosmetic Act at Anti Agricultural Smuggling Act of 2016.