Patay ang limang (5) cyclist habang sugatan naman ang apat matapos mabiktima ng hit-and-run sa Kalamazoo sa Michigan, USA.
Ayon sa pulisya nabangga ng pickup truck ang mga cyclist.
Nagtangka pang tumakas matapos mabangga ng 50-anyos na driver ang mga biktima.
Agad ding naaresto ang driver malapit sa pinag-iwanan niya sa asul na pickup truck.
Hindi pa muna inilabas ng pulisya ang pangalan ng driver na taga-Western Michigan at ng mga biktima habang patuloy na ipinaaalam ng mga pulis sa kanilang pamilya ang trahedyang sinapit ng mga ito.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: (WOOD)