Inihayag ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) na limang simbahan na ang pansamantalang nakasara dahil sa Covid-19.
Kabilang dito ang National Shrine of St. Jude Thaddeus, National Shrine of our Lady of Guadalupe, Santa Maria Goretti Parish , st. Anthony of Padua at San Roque De Sampaloc Parish.
Ipinatupad ang temporary closure matapos na magpositibo sa covid-19 ang ilang mga pari at staff ng naturang mga simbahan.
Tiniyak naman ng RCAM sa mga mananampalataya na magpapatuloy ang online masses sa Facebook at Youtube page ng mga simbahan.