Naghain ng Counter Affidavit at Motion for Reconsideration ang limang opisyal ng Anti-red Tape Authority (ARTA) na pinasususpinde ng Office of the Ombudsman dahil sa korapsyon.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, na kabilang sa mga pinasususpinde, hindi tiwali ang ARTA dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na pumuna sa matagal na aksyon ng gobyerno.
Malisyoso anya ang paratang dahil hindi naman sila lumagda sa Order of Automatic Approval.
Nag-ugat ang reklamo matapos akusahan ng isang Telco firm ang limang opisyal ng ARTA na pumapabor at nagbibigay ng special treatment sa isa pang Telco player.