Pasok ang limang syudad sa Pilipinas sa sampung pinakaligtas na mga syudad sa Southeast Asia ngayong 2018.
Batay sa ito sa talaan ng Numbeo, isang crowd sourced global database na nag-uulat ng consumer prices, crime rates, kalidad ng health care at iba pang statistics sa mga bansa sa mundo.
Pumangalawa sa listahan ng sampung pinakaligtas na lungsod sa Southeast Asia ang Valenzuela City na nakapagtala ng safety index na 74.79 mula sa 100 perfect score.
Pumang-apat naman ang Davao City na nakapagtala ng 71.21 na safety index, pang-lima ang Makati City na may 60.4 safety index, nasa pang-anim na puwesto ang Baguio City na may safety index na 59.83 percent at lumanding sa number 8 ang Cebu City na may 55.72 percent na safety index.
Samantala, maituturing na pinakaligtas na syudad sa mundo batay sa tala ng Numbeo ang Singapore na siyang nanguna sa listahan.
Kasama rin ang Chiang Mai, Thailand na nasa ikatlong puwesto, Bali Indonesia na nasa pang-pito, Penang Malaysia na nasa ika-siyam at Bangkok Thailand sa pang-sampung puwesto.
—-